^

Police Metro

2 tinamaan ng ligaw na bala - PNP

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Inihayag ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na dalawa katao na ang naitatalang biktima  ng ligaw na bala kabilang ang isang 3 anyos na batang babae.

Sinabi ni PNP Spokesman Chief Supt. Wilben Mayor, kabilang sa biktima ay sina Henio Calsum, ng Brgy. Sirawai, Sirawai Zamboanga del Norte  na tinamaan ng ligaw na bala sa kaniyang tiyan sa pagsisimula ng Simbang Gabi noong Disyembre 16 , 2015.

Ang 50-anyos na si Hawali Hanapi  ng Tulungatong, Zamboanga City na nagtamo naman ng tama ng bala sa hita noong Disyembre 20 ng taong ito.

Ayon kay Mayor, dalawang sibilyan naman ang nasakote sa kasong illegal discharge of firearms habang sampung katao ang nasakote sa pag-iingat ng mga bawal na paputok na mahigpit na tinututukan ng PNP.

Kabilang naman sa mga ipinagbabawal na paputok  ay ang mother rockets, judas belt, super bawang,  goodbye Philippines, Binladen at iba pa.

Ipinagbabawal din ang watusi, piccolo, boga  at pillbox na nakalalason lalo na sa mga bata.

vuukle comment

ANG

AYON

DISYEMBRE

HAWALI HANAPI

HENIO CALSUM

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SIMBANG GABI

SIRAWAI ZAMBOANGA

SPOKESMAN CHIEF SUPT

WILBEN MAYOR

ZAMBOANGA CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with