^

Police Metro

Isko nasa 11 puwesto sa SWS survey

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nakuha ni Manila Vice Mayor Isko Moreno Domagoso na tumatakbong senador ang ika-11 puwesto sa pinakahuling survey ng  Social Weather Station (SWS).

Ayon kay Domagoso, ito ay isang indikasyon na malaki ang kanyang naiangat sa isinagawang survey noong Disyembre 12-14 kumpara sa huling survey ng SWS noong Setyembre kung saan nasa 28-31 puwesto siya.

Lumilitaw na umakyat na sa 30 porsiyento ang dating apat na porsiyento nito sa mga survey sa kabila limitadong tv at radio ads.

Bagama’t  lubos ang kanyang pasasalamat  dahil sa tiwala na ibinibigay ng  publiko, sinabi ni Moreno na mahaba pa ang kanyang lalakbayin kaya’t mas kailangan ang ibayong pagsisikap upang makapantay sa mga kilalang pulitiko.

Ipinaliwanag pa ni Domagoso na National President ng Vice Mayors League of the Philippines (VMLP) na may kinakaharap pa siyang  hamon sa  ngayon dahil karamihan sa mga survey firms ay Domagoso ang ginagamit sa halip na Moreno sa survey questions na nagiging dahilan ng kanyang pagkakapuwesto sa 16-20 sa  Pulse Asia survey.

vuukle comment

ANG

AYON

DOMAGOSO

MORENO

NATIONAL PRESIDENT

NBSP

PULSE ASIA

SOCIAL WEATHER STATION

SURVEY

VICE MAYORS LEAGUE OF THE PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with