^

Police Metro

Mister utas, misis na buntis sugatan... Chinese couple inambus

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang Chinese trader ang nasawi habang nasu­gatan ang misis nitong buntis at sekyu na tinamaan ng ligaw na bala sa naganap na ambush kamakalawa sa Aragon at Dimasalang Sts., Sta. Cruz, Maynila.

Hindi na umabot ng buhay sa St. Jude Hospital ang biktimang si Ellam Lu, nasa pagitan ng 30-40 anyos habang ang misis nitong si Ou Yan, 29 ay nagtamo ng bala sa balikat at ginagamot sa St. Lukes Hospital.

Natamaan din ng ligaw na bala sa likod ang isang Alejandro Alindayu, stay-in security guard ng Florida Transit Terminal.

Batay sa ulat, bago naganap ang pag-ambush sa mag-asawa sa kanto ng Dimasalang at Aragon St., Sta. Cruz ay sakay ang mga ito ng kanilang brand new BMW na may conduction sticker na PA-7236  nang sila ay harangin ng L-300 van na kulay puti na walang plaka na kinalululanan ng mga suspek sa direksiyon ng Dangwa.

Bumaba ang isang lalaki at pinagbabaril ang mag-asawa sa kanilang sasakyan at pagkatapos ay bumalik sa van.

Ang mga biktima ay may negosyong salamin na  kasosyo ang ilang kaanak at kagagaling lamang sa bakasyon at isang taon pa lamang na kasal.

 

vuukle comment

ALEJANDRO ALINDAYU

ANG

ARAGON ST.

CRUZ

DIMASALANG STS

ELLAM LU

FLORIDA TRANSIT TERMINAL

ISANG CHINESE

OU YAN

ST. JUDE HOSPITAL

ST. LUKES HOSPITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with