^

Police Metro

Miss Universe host nagkamali... Pia muntik masilat

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Muntik pang masilat ang korona bilang 2015 Miss Universe beauty pageant  si Miss Philippines Pia Alonzo Wurtzbach nang unang koronahan si Miss Columbia Ariadna Gutierrez Aravelo matapos na magkamali ng pahayag ang host na si Steve Harvey.

Nakoronahan na si Miss  Columbia bilang bagong Miss Universe nang muling bumalik sa entablado si Harvey at sinabi na siya ay nagkamali sa kanyang unang pahayag at ang tunay na nanalong Miss Universe ay si Wurtzbach.

Hindi halos makapaniwala si Wurtzbach sa pangyayari na hindi agad makapunta sa gitna ng entablado hanggang hindi naihahayag ng host na siya talaga ang tunay na nagwagi.

Hindi naman makapaniwala si Miss Columbia nang tanggalin sa kanya ang korona.

Sinubukan ni Wurtzbach na kausapin sana si Aravelo sa likod ng entablado na umiiyak at napapaligiran ng mga babae.

Masayang Pasko ang ang ipagdiriwang ng sambayanang Filipino matapos masungkit ni Wurtzbach ang korona bilang ika-64 na Miss Universe.

Tatlong beses sumali sa Binibining Pilipinas si Pia noong 2013 at 2014 bago nakuha ang korona kahapon.

Tinalo ni Pia ang 79 na iba pang kandidata mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo matapos ang 42 taon.

 

vuukle comment

ANG

ARAVELO

BINIBINING PILIPINAS

MASAYANG PASKO

MISS

MISS COLUMBIA

MISS COLUMBIA ARIADNA GUTIERREZ ARAVELO

MISS PHILIPPINES PIA ALONZO WURTZBACH

MISS UNIVERSE

STEVE HARVEY

WURTZBACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with