^

Police Metro

Solusyon sa pagbaha prayoridad ng Binay administration

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kung sakali na magwagi bilang pangulo ng bansa sa 2016 elections ay prayoridad ni UNA presidential bet Vice President Jejomar Binay na resolbahin ang baha sa bansa.

Ito ang inihayag kahapon ni Binay nang ito ay bumisita kahapon sa iba’t ibang lalawigan sa Central Luzon na naapektuhan ng flashfloods at matinding pagbaha dala ng bagyong Nona.

Ayon sa Office of the Vice President, nakipagkita at nakipagpulong si Binay sa mga lokal na lider sa mga lalawigan at tinalakay ang naging problema sa pagbaha sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.

Ayon kay Binay sa harap ng local leaders, nais niyang iprayoridad ang pagresolba ng mga pagbaha sa bansa dahil labis nang nakakaapekto sa mga komunidad at sa pamumuhay lalo na ang mga magsasaka sa Nueva Ecija, Bulacan, Aurora at Pampanga.

Binigyang-diin ni Binay na malaki ang impact at epek­to ng mga nararanasang pagbaha sa lokal na ekonomiya at sa sektor ng agrikultura.

“Itong mga pagbaha ay dapat tugunan at hanapan ng solusyon ng pamahalaan, lalo na ang DWPH. Mara­ming kababayan natin ang naaapektuhan, lalo na ang mga magsasaka at ang sektor ng agrikultura,” ani Binay.

Matapos na bisitahin ni Binay ang Gapan at Cabanatuan City sa Nueva, Ecija, dumiretso ito  sa San Miguel, Bulacan upang tingnan at bigyang ayuda naman ang mga mamamayan na naapektuhan din ng pagbaha sanhi ng bagyo.

Nakatakda ring tumungo ang Bise Presidente sa Catarman upang tingnan ang kalagayan ng may 10,000 mamamayan na nagsilikas dahil sa nasabing kalamidad.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BINAY

BISE PRESIDENTE

BULACAN

CABANATUAN CITY

CENTRAL LUZON

MGA

NUEVA ECIJA

OFFICE OF THE VICE PRESIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with