^

Police Metro

Erap kinastigo ang doktor ng OMMC

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang doktor sa Ospital ng Maynila Medical Center (OMMC) ang kinastigo ni Manila Mayor Joseph Estrada dahil sa halip asikasuhin ang isang ina na dala ang pas­yenteng 6-anyos na anak na may sakit na dengue ay itinuro pa ang mga ito sa ibang ospital. Hindi muna ibinunyag ni Estrada ang  pangalan  ng doktor habang isinasagawa ang  imbestigasyon  batay sa reklamo ni Gng. Gina Lumtong, 31 kay Estrada sa ginanap na “Ugnayan sa Mamamayan” na ginanap sa Onyx Street, Brgy. 775. Sa sumbong ni Gng. Lumtong kay Estrada na noong Nobyembre ay nagtungo sila ng kanyang anak na si Nicole sa nasabing ospital dahil sa tiyak na may dengue ang anak na nakakaranas ng mataas na lagnat, nagsusuka at nagdudugo ang ilong.

Ngunit laking gulat niya nang sinabihan siya ng doktor na pumunta muna sila sa ibang ospital gaya ng Philippine General Hospital (PGH) para doon kumuha ng mga laboratory tests dahil sira ang mga kagamitan ng OMMC.

Ang mga nasabing lab tests ay nagkakahalaga aniya ng mahigit P2,000, pero P120 lang ang pera niya noon kaya nagdesisyon siyang ilipat na lang ang kanyang anak sa ibang ospital na makakapagbigay ng libreng serbisyo.

Muling nagbabala ni Estrada na mahaharap sa mabigat na parusa ang sinumang opisyal o kawani ng alinman sa Manila City Hospitals na hindi susunod sa kaniyang direktibang magbigay ang mga ito ng mabilis, kumpleto at libreng serbisyo sa mga pasyente.

ACIRC

ANG

BRGY

GINA LUMTONG

GNG

ISANG

MANILA CITY HOSPITALS

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MAYNILA MEDICAL CENTER

ONYX STREET

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with