^

Police Metro

Parak na holdaper dinakip sa kampo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga pulis ang isa nilang kabaro habang ito ay naka-duty matapos ituro na isa sa tatlong holdaper  na nangholdap sa isang bank teller sa Malolos City, Bulacan.

Ang suspek na dinakip dakong alas-6:00 ng gabi sa loob mismo ng tanggapan ng Bulacan Provincial Public Safety Company sa Camp Gen. Alejo Santos sa lungsod kung saan ito nakatalaga ay kinilalang si PO3 Nolasco Juan.

Ang pag-aresto kay PO3 Juan  ay bunsod na pina­igting na hot pursuit operation base sa testimonya ng dalawang security guards at bank teller na positibong kumilala sa una sa pamamagitan ng CCTV footage na iprinisinta sa San.  Ildefonso Municipal Police Station (MPS).

Nabatid na noong Disyembre 14, 2015 dakong alas-11:57 ng umaga ay ineskortan ni Ramon Dimalanta, security guard ng isang supermarket ang biktimang si Joan Gallido, bank teller nang bigla na lamang agawin ang bitbit na bag na naglalaman ng hindi pa madeterminang cash ng isang lalaki.

Nagkaroon ng komosyo at sumaklolo si Dimalanta sa biktima, pero dalawa pang suspek ang sumulpot at pinagsusuntok ito ng ilang beses at  mabilis na tumakas  sa exit door at sumakay sa dalawang motorsiklo.

Nakunan ng CCTV ang pangyayari at dito ay namukhaan si PO3 Juan ng mga testigo.

vuukle comment

ACIRC

ALEJO SANTOS

ANG

BULACAN

BULACAN PROVINCIAL PUBLIC SAFETY COMPANY

CAMP GEN

ILDEFONSO MUNICIPAL POLICE STATION

JOAN GALLIDO

MALOLOS CITY

NOLASCO JUAN

RAMON DIMALANTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with