^

Police Metro

Dahil sinampal ang ka-live in... tatay pinalakol ng anak

Ed Casulla - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinalakol ng anak ang sariling ama sa mukha at dibdib matapos na sampalin at batukan nito ang kanyang live in partner habang sila ay nagkukuwentuhan na naganap kamakalawa ng gabi sa Sitio Tobog, Barangay Lourdes, Buhi, Camarines Sur.

Ang biktima na namatay noon din ay kinilalang si Domingo Alumbro, nasa hustong gulang.

Habang ang suspek na nadakip ng mga barangay opisyal ay kinilalang si Romeo Alumbro, 21, residente ng naturang barangay.

Batay sa imbestigasyon, bago nangyari ang krimen dakong alas-10:20 ng gabi ay nagkukuwentuhan ang suspek at live in nito na si Shiela Iglesia nang dumating ang ama na lasing sa alak at walang sabi-sabing sampalin at batukan si Shiela.

Nagalit ang suspek sa ginawa ng ama sa ka-live-in kaya kinuha nito ang palakol na nakalagay sa tabi at pinalakol ang ama sa mukha at dibdib na kaagad nitong ikinasawi.

Ayon sa mga kaanak na masama umano ang loob ng biktima sa suspek dahil gusto nito na makapagtrabaho at makatulong pa ito sa pamilya, subalit dahil sa maagang nag-asawa ay sinisi nito ang babae kaya’t mainit ang dugo nito rito. Ang suspek ay nahaharap sa kasong parricide.

vuukle comment

ANG

AYON

BARANGAY LOURDES

BATAY

BUHI

CAMARINES SUR

DOMINGO ALUMBRO

HABANG

ROMEO ALUMBRO

SHIELA IGLESIA

SITIO TOBOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with