^

Police Metro

Lolo nagbaril sa ulo

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Posibleng nahiya ang isang 65-anyos na lolo nang mabisto ng kanyang apo na ito ay may gusto sa kanyang misis kaya’t binaril niya ito bago barilin ang sarili naganap kahapon sa Quezon City.

Namatay noon din ang suspek na si Edgardo Capellan, caretaker ng no. 5 Neptune St., Barangay Tandang Sora sa lungsod.

Habang nasugatan naman ang biktimang si Joan Tesorero, 21, misis ng kanyang apo na nakaratay sa Quezon City General Hospital dahil sa tama ng bala sa likod at kanang hita.

Batay sa ulat, bago nangyari ang insidente, dakong alas-11:45 ng umaga sa kanilang bahay ay nakarinig si Garry Capellan, anak ni Edgardo, nang magkasunod na pu­tok ng baril na nagmumula sa bahay ng kanyang tatay.

Nagpunta si Teso­rero sa bahay ni Garry at sinabing binaril siya ng kanyang tatay kaya’t dinala ito ng una sa nasabing ospital.

Habang nasa daan ay nasalubong nila si Edgardo na may bitbit na baril at nang tangkang awatin ni Garry ang tatay ay itinutok nito ang dalang baril sa kanyang ulo saka pinutok.

Sa kuwento ng biktima, sinimulan na niyang iwasan ang matanda makaraang maramdaman nagkakaron na ito ng pagnanasa sa kanya lalo na ang kagustuhan nitong humalik siya dito kapag dumarating ng bahay.

Nang maganap ang pamamaril ay tinangka muling lapitan ng matanda si Tesorero na umiwas na ikinagalit ng suspek at binunot ang dalang baril at  binaril siya.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARANGAY TANDANG SORA

EDGARDO

EDGARDO CAPELLAN

GARRY

GARRY CAPELLAN

HABANG

JOAN TESORERO

NEPTUNE ST.

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with