Balikbayan boxes tiyaking hindi mabubuksan
MANILA, Philippines – Nais ni Senator Grace Poe sa Bureau of Customs na tiyakin na hindi mabubuksan ang mga balikbayan boxes na ipadadala ng mga Pinoy na nasa ibang bansa sa kanilang mga mahal sa buhay.
Anya, ang Kapaskuhan ay isa sa mga hinihintay na panahon ng mga overseas Filipino workers (OFWs) at ng kanilang pamilya kaya dapat lamang na hindi masabotahe ang kanilang kasiyahan ng ilang mga tiwali at palpak na opisyal ng gobyerno.
Ipinunto ni Poe na milyon-milyong Filipino ang magdiriwang ng Pasko na hindi kasama ang kanilang pamilya at malaking bagay ang mga ipapadalang Balikbayan boxes para sa kanilang mahal sa buhay.
Tinatayang nasa 4.8 milyon balikbayan boxes ang ipinapadala sa Pilipinas taun-taon kung saan 40 porsiyento ay dumarating tuwing “ber” months sa Manila International Container Port.
- Latest