^

Police Metro

Mar kay Digong: ‘Sasampalin mo ako? Subukan mo!’

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - “Sasampalin mo ako? Subukan mo.”

Ito ang hamon ni LP presidentiable bet Mar Roxas sa mga patutsada ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na sasampalin nito ang una sa sandaling mapatunayan na peke ang kanyang degree sa Wharton Business School. “Sampalin niya ako. Punta siya dito. Kung hindi, punta ako doon sa Davao, sampalin niya ako sa airport, tingnan natin,” wika ni Roxas sa panayam ng  mediamen sa University of the Philippines (UP) Bahay ng Alumni.

Sinabi pa ni Roxas, dapat maging handa rin si Mayor Duterte na sampalin nito sa sandaling mapatunayan niyang nakapagtapos siya sa Wharton Business School. “Ganito, magsampalan na lang kami. Kung hindi totoo ang Wharton degree ko, sampalin mo ako. Hindi ako iiwas or iilag. Pero kung totoo yung Wharton degree ko, sasampalin kita,” dagdag pa ni Roxas.

Nag-ugat ito sa alegasyon ni Duterte na hindi naman pala nakapagtapos ng kanyang degree sa Wharton Business School of the University of Pensylvania kundi isang undergraduate ito.

“Ang mahirap kay Mayor Digong Duterte, nasanay siya na one-man rule. Nasanay siya na kung hindi niya nakukuha ang gusto niya (at) kung may nagsasabi sa kanya ng katotohanan ay mana­nampal na lang siya o pagbubuhatan na lang niya ng kamay. Subukan natin, tingnan natin. Wala naman akong kilalang malaking tao na na sinampal niya, lahat maliliit, mga walang kalaban-laban,” giit pa ni Roxas.

“Alam niyo Digong, ang turing ko sayo, kaibigan. Nirespeto kita, pinahalagahan ko ang aking pakikipagkaibigan sa’yo. Pero mabuti na rin lang at nakita na natin ang katotohanan ng pagkatao mo,” pagwawakas ni Roxas.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

MAR ROXAS

MAYOR DIGONG DUTERTE

MAYOR DUTERTE

PERO

ROXAS

SUBUKAN

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

WHARTON BUSINESS SCHOOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with