^

Police Metro

Life sa killer ng ina ni Cherry Pie

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines – Habambuhay na pag­kabilanggo ang ibinabang hatol ng Quezon City Regional Trial Court  sa suspek na pumatay sa ina ng aktres na si Cherry Pie Picache na si Zenaida Sison, 75, noong Setyembre 19, 2014.

Napatunayan ni Judge Alfono Ruiz na nagkasala ang  akusadong si Michael Flores, houseboy ng biktima.

Pinagbabayad din ng korte si Flores ng P1, 245,000  halaga bilang danyos sa pamilya ng biktima gayundin ng P50,000 pe­nalty bilang moral damages at P50,000 para sa civil indemnity.

Nagpapasalamat naman si Cherry Pie  sa mabilis na paghatol ng korte sa akusado at pagbibigay ng hustisya  sa kanyang ina.

Magugunita na si Flores ay naaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) noong Oktubre sa isang bahay sa Laguna sa tulong CCTV footages na nakuha sa crime scene.

Sa CCTV footages nakita ang short at t-shirt  ng suspek narekober  sa crime scene  na nagpatibay ng ebidensiya laban kay  Flores.

Inamin din ni Flores na  unang plano niya ay pagnakawan lamang ang matanda, subalit nagtitili ito nang magising kaya’t sinaksak niya ito hanggang sa mapatay.

Agad din na nai-turn over si Flores sa Bureau of Jail Management and Penology.

ACIRC

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CHERRY PIE

CHERRY PIE PICACHE

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

FLORES

JUDGE ALFONO RUIZ

MICHAEL FLORES

NBSP

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

ZENAIDA SISON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with