^

Police Metro

Punerarya grinanada: 3 sugatan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Tatlo-katao ang nasugatan makaraang sumabog ang granada na inihagis ng mga hindi kilalang kalalakihan sa labas ng punerarya sa bayan ng Matalam, North Cotabato kahapon ng madaling araw.

Isinugod sa Cotabato Provincial Hospital sa Kidapawan City ang mga nasugatang sina Benito Samillano, 49; Bernie Cristobal, 34; at si Jeffrey Onoc, 23; mga nakatira  sa Brgy. Kibodoc.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Alexander Tagum, North Cotabato PNP director na isinumite sa Camp Crame, dakong ala-1:25 ng madaling araw  nang hagisan ng granada ang Collado Funeral Homes sa Barangay Poblacion.

Sumabog sa funeral service vehicle ang granada kung saan tinamaan ang mga biktima na kabilang sa nakikipaglamay sa burol ng namayapang kamag-anak.

Agad namang nagsitakas ang mga suspek na sinamantala ang pagkakagulo ng mga tao sa lamayan.

Pinaniniwalaang may kinalaman sa naganap na bugbugan may tatlong buwan na ang nakalipas.

Magugunita na nitong nakalipas na araw ay hinagisan din ng granada ang rotonda sa nasabing bayan kung saan lima-katao ang nasugatan.

ALEXANDER TAGUM

ANG

BARANGAY POBLACION

BENITO SAMILLANO

BERNIE CRISTOBAL

CAMP CRAME

COLLADO FUNERAL HOMES

COTABATO PROVINCIAL HOSPITAL

JEFFREY ONOC

KIDAPAWAN CITY

NORTH COTABATO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with