^

Police Metro

Councilor dinedo sa loob ng SUV

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 60-anyos na city councilor matapos itong patayin sa sakal gamit ang seatbelt ay sinaksak pa ng hindi kilalang lalaki sa loob ng kaniyang sasakyan sa San Carlos City, Pangasinan kamakalawa.

Sa ulat ni P/Supt. Charlie Umayam, hepe ng San Carlos City PNP, dakong alas-5:15 ng hapon nang madiskubre ang bangkay ng biktimang si Councilor Mienrado Ynzon ng Brgy.  Talang sa nasabing lungsod.

Natagpuan ang katawan ng biktima sa loob ng pag-aaring Montero Sport (AFE-465) na nakaparada sa harap ng Heaven Bound Bible Baptist Church sa Brgy. Agdao.

Nabatid na ang biktima ay nakatakda sanang dumalo sa seminar sa San Carlos City Hall habang naghihintay  ang kanyang mga constituent sa pagdating nito nang mangyari ang insidente.

Sinabi ng opisyal na isang Mark Joseph Rosario, driver ni Councilor Paningbatan ang napadaan sa tapat ng nasabing simbahan at napansin na  nakaparada ang sasakyan ng biktima.

Nang silipin ito ni Rosario ay nagulantang ito nang makitang nakapulupot sa leeg ng biktima ang seatbelt at duguan.

Agad naman itong ini-report sa mga awtoridad ni Rosario kung saan patuloy na iniimbestigahan.

vuukle comment

AGDAO

ANG

BRGY

CHARLIE UMAYAM

COUNCILOR MIENRADO YNZON

COUNCILOR PANINGBATAN

HEAVEN BOUND BIBLE BAPTIST CHURCH

MARK JOSEPH ROSARIO

MONTERO SPORT

SAN CARLOS CITY

SAN CARLOS CITY HALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with