^

Police Metro

Mag-asawa inutas ng kapitbahay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinagtataga ang isang mag-asa­wang matanda ng kanilang kainuman na kapitbahay nang maungkat ang kanilang dating alitan naganap kamakalawa sa Brgy. Langaon, Baungon, Bukidnon.

Nasawi noon din ang mag-asawang sina Isidro at Dolores Nacalaban, kapwa 60-anyos  at  residente sa lugar.

Ang mag-asawa ay kapwa nagtamo  ng mga taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan partikular na sa kanilang leeg at ulo na siyang agarang kumitil sa kanilang buhay.

Tumakas ang suspek na si Edwin Amontal, 38 na natukoy ng mga testigo na siyang nasa likod ng krimen.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-9:00 ng gabi ay magkasamang nag-iinuman ang mag-asawa at suspek nang maungkat ang kanilang lumang alitan.

Nagkaroon ang mga ito nang mainitang pagtatalo at habang nagtatalo ay bigla na lamang binunot ni Amontal ang kaniyang itak at pinagtataga ang mag-asawa.

vuukle comment

ACIRC

AMONTAL

ANG

BATAY

BAUNGON

BRGY

BUKIDNON

DOLORES NACALABAN

EDWIN AMONTAL

ISIDRO

LANGAON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with