7 scalper dinakip
MANILA, Philippines – Pitong katao ang inaresto matapos bentahan ng mga ito ng mahal na presyo na ticket ang mga estudyanteng nais mapanood ang laban sa pagitan ng FEU Tamaraw at UST Growling Tigers na isinagagawa kamakalawa sa SM MOA, Pasay City.
Ang mga suspek ay kinilalang sina Ramon Tugenio, 57, ng Trece Martirez City, Cavite; Fernando Angeles, 52, ng Pasay City; Edward Valdez, 37, ng Mandaluyong City; Nino Oliversos, 34, ng Pasay City; Jimmy Icalina, 48, ng Mandaluyong City; Jeffrey Gamit, 22, ng #Pasay City at Earl Ibanez, 28, ng Quezon City.
Batay sa ulat, alas-4:30 ng hapon nang arestuhin ang mga suspek sa SM MOA Complex matapos nilang bentahan ng mahal na ticket ang mga estudyante.
Ang ticket na tig-P50 ay ibinibenta ng P1,500 habang ang P225 ay binibenta naman ng P4,000 upang mapanood ang laban ng nabanggit na mga koponan para sa game 3 finals ng UAAP.
- Latest