^

Police Metro

12 opisyal sinibak ng Ombudsman

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines – Labindalawang opis­yal ng National Livelihood Development Corporation (NLDC), Technology Resource Center (TRC) at National Agribusiness Corporation (NABCOR)   ang sinibak ng Ombudsman sa serbisyo dahil sa umano’y maanomalyang paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) ni dating Benguet Representative Samuel Dangwa na may halagang  P54 milyon.

Ang mga ito ay sina Gondelina Amata; Chita Jalandoni; Emmanuel Alexis Sevidal; Ofelia Ordoñez; Filipina Rodriguez at Sofia Cruz pawang mula sa  NLDC; Dennis Cuna­nan; Marivic Jover; Consuelo Li­lian Espiritu at Belina Concepcion, pawang taga TLRC; Victor Cacal at Romulo Relevo ng NABCOR.

Sa rekord, mula 2007 hanggang  2009, si  Dang­wa ay tumanggap ng P54 milyong PDAF na idinaan sa pekeng NGO ni Janet Lim Napoles at NLDC, NABCOR at TRC bilang mga  implementing agencies ng proyekto. Ang pondo ay laan sa pagbili ng livelihood at agricultural assistance kits at packages.

Upang maipatupad ang proyekto, sina Amata ang nagproseso at nag-apruba ng transaksiyon at bayarin sa bogus projects.

Sa Special Audit Report ng Commission on Audit, ang agricultural at livelihood assistance kits/packages ay hindi naibigay sa sinasabing mga beneficiaries ng proyekto dahil non-existent ang NGO at napeke ang mga dokumento para sa liquidation.

Ang sinasabing NGO ni Napoles ay kulang sa track record at walang kapasidad na maipatupad ang proyekto, walang naganap na public bidding o accreditation process  at nananitiling unliquidated ang P11 milyong PDAF ni Dangwa.

ACIRC

ANG

BELINA CONCEPCION

BENGUET REPRESENTATIVE SAMUEL DANGWA

CHITA JALANDONI

CONSUELO LI

DENNIS CUNA

EMMANUEL ALEXIS SEVIDAL

FILIPINA RODRIGUEZ

GONDELINA AMATA

JANET LIM NAPOLES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with