^

Police Metro

8 JI terrorist patay sa encounter

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Walong terorista na karamihang nakipagal­yansa sa Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang napaslang sa umaatikabong pakikipagbakbakan sa tropa ng Philippine Marines sa bayan ng Palimbang, Sultan Kudarat kahapon ng umaga.

Ayon kay Major Filemon Tan Jr., spokesman ng AFP-Western Min­danao Command, ang mga suspek ay  miyembro ng Ansar Al Khalifa na terror cell na kaalyado ng IS na nag-o-operate sa Syria at Iraq.

Ang grupo  ay ipina­ngalan sa founder ng mga itong si Ansar Al Khalifa na binuo sa Sarangani.

Bandang alas-5:40 ng umaga nang makasagupa ng militar ang teroristang grupo sa liblib na bahagi ng Sitio Sinapingan sa Barangay Butril sa nasabing bayan.

Sa clearing operation ng militar, kabilang sa mga narekober na bangkay ay ang Indonesian terrorist na si Abdul Fatah na jiha­dist regional terror group ng Jemaah Islamiyah (JI) terrorist.

Narekober sa pinangyarihan ng bakbakan ang isang Barrette call 50 sni­per rifle, isang M16 rifle, isang cal. 45 pistol, isang ICOM radios at 5-piraso ng bandila ng ISIS.

Napaulat na tatlong Syrian national na mi­yembro ng ISIS ang sinasabing nakapuslit sa bansa at sumapi sa Khalifa Group.

Samantala, huling namataan ang tatlong Sy­rian terrorist sa Central Mindanao na kasama ng grupo ni Amin Bako, notoryus na bomber ng JI terrorist.

ABDUL FATAH

ACIRC

AMIN BAKO

ANG

ANSAR AL KHALIFA

BARANGAY BUTRIL

CENTRAL MINDANAO

ISLAMIC STATE OF IRAQ AND SYRIA

JEMAAH ISLAMIYAH

KHALIFA GROUP

MAJOR FILEMON TAN JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with