^

Police Metro

5 tipsters ng AFP instant milyonaryo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Lima sa 9 tipster ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang instant millionaire matapos ipamahagi na kahapon ang kabuuang P22.5M reward sa mga ito nagsilbing susi sa pagkakaaresto  sa mga matataas na lider ng New People’s Army (NPA) re­bels at  maging ng  mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG).

Pormal na iginawad ni AFP Vice Chief of Staff  Major Gen. Romeo Tanalgo ang pabuyang cash sa mga masusu­werteng informer ng militar na naging instrumento sa pagkakabitag sa dalawang matataas na lider ng CPP-NPA Abu Sayyaf Group at apat pa ng mga itong kasama­hang mga lokal na terorista.

Umaabot sa P22.5M ang ipinamahaging reward mula P350,000 hanggang sa P5.8M na tinanggap ng mga informer na nagtakip ng mukha para hindi makilala.

Kabilang sa mga instant millionaire na tipster ay ang nagturo para maaresto ang  nang lider ng NPA na si Eduardo Esteban alyas Ka Esteban, wanted sa kasong murder sa Abra.

Si Esteban, may patong sa ulong P5.8M  ay nasakote noong Agosto 14, 2014 sa Iloilo City.

Ang isa pang informer ay tumanggap naman ng P4.8M sa pagkakahuli sa Tagum City noong Oktubre 16 ng taong ito sa isa pang lider ng NPA rebels na si Dominiciano Muya, gumagamit ng mga alyas na Ka Atoy at Marco.

Si Ka Marco ang responsable sa pamamaslang kina PO1 Marito Correos at PO1 Rey Mangoya Ejercito sa Bayugan, Agusan del Sur gayundin sa limang CAFGU sa Brgy. Zamboanguita, Malaybalay City.

Hindi naman pahuhuli ang tipster ng mga Commander ng Abu Sayyaf terror group na si Khair Mundos na nasakote noong Hunyo 11, 2014 sa Parañaque City na may patong sa ulong P 5.3M. Si Mundos nahaharap sa kasong murder, multiple frustrated murder at multiple attempted murder sa Cotabato. Si Mundos ang tumatayong Finance at Logistics Officer ng Abu Sayyaf.

Tumanggap naman ng P 3.3 M ang isa pang tipster na nagbigay ng impormasyon sa pagkakalipol kay Abu Sayyaf Commander Long Malat Sulayman  na napatay sa engkuwentro sa Basilan noong Abril 1, 2012 matapos na manlaban sa arresting team na tinangka nitong takasan.

Ang isa pang tipster ay tumanggap naman ng P1.1M reward sa pagkakapaslang sa isa pang Abu Sayyaf na kasamahan ni Sulayman na si Jaojin Salam sa law enforcement operation sa Zamboanga del Norte noong 2014.

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF COMMANDER LONG MALAT SULAYMAN

ABU SAYYAF GROUP

ACIRC

ANG

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

DOMINICIANO MUYA

EDUARDO ESTEBAN

MGA

NBSP

SI MUNDOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with