^

Police Metro

Gobyerno hindi naiayos ang trapik sa APEC

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bagama’t nakinabang ang Pilipinas bilang host sa 2015 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit ay nadismaya naman si Vice President Jejomar C. Binay sa pamahalaan dahil hindi napaghandaan ang sitwasyon ng trapiko sa Metro Manila sa kasagsagan ng APEC.

“Nakatutuwa at nagkaroon tayo ng APEC meeting dito. Ang nakakalungkot nga lamang ay mukhang hindi masyadong tama ang pagkakahanda dahil sa nariyan iyong may nanganak sa kalye dahil sa traffic. Abot-abot ang naging problema dahil sa traffic,” pahayag ni Binay.

Subalit, ayon sa Bise Presidente na ang kaha­lagahan bilang host ng APEC meet ay nakatulong sa pagtaas ng 80 percent ng kalakalan sa bansa.

“Ang APEC ay kasama sa pagiging miyembro natin ng international community. So natutuwa naman ako na dito naganap ang APEC meeting,” wika ni Binay.

Si Binay ay siyang naatasan na mag-welcome sa mga  heads of state na du­malo sa APEC meet. Dumalo rin ito sa  APEC Economic Leaders’ welcome dinner na kung saan ay ipinakita ang  world-class talent ng mga Pinoy.

Ayon pa kay Binay, na ang pamahalaang Pilipinas  ay  nakipagkasundo sa iba’t ibang bansa sa mga bilateral agreements at nagkumpirma ng mga suporta nito sa bansa lalo na sa paglago ng ekonomiya.

“At the end of the mee­ting maibibigay naman sa inyo kung ano ang napala natin, ano ang napag-usapan, ano ang napag-pirmahan. May napala naman,” dagdag ni Binay.

Sa  APEC summit, ay inihayag ni  United States President Barack Obama ang pagbibigay ng dalawang barko para sa Philippine Navy upang lalong lumakas ang kakayahan ng Navy na magsagawa nang malayong pagpapatrulya sa karagatan.

Maging ang ibang mga bansa tulad ng Japan, South Korean,Canada, New Zealand, Chile, Russia, Australia, Papua New Guinea at Mexico ay nangako nang mga pagtulong sa Pilipinas.

 

ACIRC

ANG

APEC

ASIA-PACIFIC ECONOMIC COOPERATION

BINAY

BISE PRESIDENTE

ECONOMIC LEADERS

METRO MANILA

NBSP

NEW ZEALAND

PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with