^

Police Metro

2 kawani ng Meralco naaksidente sa kotse

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines – Namatay noon din ang isang kawani ng Manila Electric Company (Meralco) habang nasugatan ang kasama nito sa trabaho matapos na ang kotseng minamaneho ay ang nakasagasa ng isang tumatawid bago nahulog sa Pasig River sakop ng Makati City kahapon ng umaga.

Ang nasawi ay kinila­lang si Jose Marie Garcia Del Rosario, 27, substation man ng Meralco ng Barangay Dolores, Taytay, Rizal.

Nilalapatan naman ng lunas sa isang ospital sa Quezon City ang kasamahan nitong si Robert Rillera, nasa hustong gulang, kawani rin ng naturang electric company at ang tumatawid na si Edwin Billones, 44, mason, ng Barangay Cembo, Makati City.

Sa pagsisiyasat, bago nangyari ang aksidente sa harapan ng Guadalupe Bliss, J. P. Rizal, Barangay Cembo ng natu­rang lungsod ay mabilis umanong minamaneho ni Del Rosario ang isang kulay silver na Toyota Vios (UGI-432) sakay si Rillera at binabagtas ang naturang lugar patungong area ng Pateros.

Hindi umano nakontrol ni Del Rosario ang manibela at nasagi ang tumatawid na si Billones at tuluy-tuloy ito hanggang sa mahulog ito sa Pasig River.

Nagawang makala­bas at makalangoy si Rillera mula sa kotse na lumulubog habang hindi nakalabas si Del Rosario na naging sanhi ng kamatayan nito.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARANGAY CEMBO

BARANGAY DOLORES

DEL ROSARIO

EDWIN BILLONES

GUADALUPE BLISS

JOSE MARIE GARCIA DEL ROSARIO

MAKATI CITY

MANILA ELECTRIC COMPANY

PASIG RIVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with