^

Police Metro

Isa pang ginang napaanak sa trapik

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isa na namang ginang ang napaanak sa gilid ng kalsada matapos maipit sa trapik kahapon ng umaga sa Parañaque City.

Ang ginang na na­paanak nang wala sa oras ay kinilalang si Aileen Butocain, nasa hustong gulang, ng Tanza, Cavite.

Sa salaysay ng mister ni Aileen na si Enrique na lumuwas sila upang dalhin ang misis sa isang ospital sa Maynila dahil kabuwanan na nito.

Pero, pagsapit ng sinasakyan nilang bus sa Coastal Mall, Terminal ay biglang sumakit ang tiyan ng ginang na tila ma­nganganak na. Natrapik at walang madaanan ang bus dahil sarado pa nang sumandaling iyon ang kahabaan ng Roxas Boulevard.

Sa tindi ng sakit ay hindi na ito kinaya ng ginang kaya’t bumaba ito ng bus hanggang sa  na­pahiga na lamang ito sa tabi ng kalsada at  isang vendor na hindi nakuha ang pangalan ang siyang nagpaanak dito na pinangalanang Coastaline na hango sa Coastal Road kung saan ito napaanak.

Matatandaan, nitong nakaraang linggo, ay unang nanganak ang ginang na si Lorna Justo ay sa bangketa ng pa­nulukan Belle Avenue at Dios­dado Macapagal Boulevard  sa nabanggit pa ring lungsod.

vuukle comment

ACIRC

AILEEN

AILEEN BUTOCAIN

ANG

ATILDE

BELLE AVENUE

COASTAL MALL

COASTAL ROAD

LORNA JUSTO

MACAPAGAL BOULEVARD

ROXAS BOULEVARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with