^

Police Metro

AG&P patuloy ang ayuda sa Yolanda victims

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patuloy ang ibinibigay na ayuda ng  Atlantic Gulf & Pacific Company (AG&P), isang industrial process outsour­cing (IPO) firm para sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa buong bansa sa ilalim ng Project Aspire ng kumpanya.

Nakapaloob sa  long term recovery efforts ng AG&P  Project Aspire ang pagbibigay ng training at employment program sa mga pamilyang nasalanta ng nasabing bagyo.

Ayon kay AG&P Chairman Jose P. Leviste Jr., na ang Project Aspire na nailunsad noong  June 2014 ay nagkakaloob ng  scholarship opportunities sa mga underprivileged,young at talented Filipinos.

Ang proyekto ay isang skills-based development program na layong magpamalas ng  technical training sa  fitting, welding, electrics ng steel fabrication technology.

Ang sasailalim sa proyekto ay magkakaroon ng kakaibang kaa­laman na maaring makipagkumpetisyon sa mga obrero sa buong mundo na magbibigay dito ng magandang trabaho at magandang buhay para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya.

Sa testimonya ng isang 19-anyos na nagtapos sa Project Aspire na nang salantahin ng bagyong Yolanda ang kanilang bayan ay inisip na wala nang pagasa para sa kanya at sa pamil­ya na mahahango pa sila sa kahirapan hanggang sa mapasama siya sa listahan na mag-aaral sa ilalim ng AG&P’s Project Aspire.

Binuo ng Project Aspire ang kanyang mga pa­ngarap at ngayon siya ay nagtatrabaho na bilang full-time electrician sa  Ichthys LNG Project.

Ayon pa kay Le­viste  Jr., na ang  proyekto ay nagsisilbing hi­ring, training at retention program ng AG&P at isang platform para sa mga developing globally employable talent.

Sa ngayon ay may 78 Project Aspire graduates ang nabigyan ng trabaho ng AG&P.

“Ang  Project Aspire  ay tumatalima sa mahabang panahon ng commitment ng  AG&P para sa mga pangangailangan ng mga lokalidad sa bansa,” pagtatapos ni Leviste.

ACIRC

AMP

ANG

ASPIRE

ATLANTIC GULF

AYON

LEVISTE JR.

MGA

NBSP

PROJECT

PROJECT ASPIRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with