^

Police Metro

Pulis-Valenzuela dinakip sa kotong

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang pulis na nakatalaga sa Valenzuela police station-warrant section ang naaresto sa isang entrapment operation ng mga kabaro matapos ireklamo ng umano’y pangongotong ng isang sekyu.

Ang naarestong suspek ay kinilalang si PO3 Gerry Pajares, 44, naninirahan sa Block 15, Lot 11, Section 15, Phase 2, Pabany Muzon, San Jose Del Monte, Bulacan.

Ang pag-aresto sa suspek ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Criminal Investigation Detection Unit (CIDU) ng QCPD ay bunga ng reklamo ng isang Bernardo Altes, 40, may-asawa, ng No. 42-Maysan Road,Valenzuela City.

Sa reklamo ng biktima, na hinihingan umano siya ni PO3 Pajares ng halagang P5,000.00 matapos na ipabatid sa kanya na mayroong siyang warrant of arrest sa kasong act of lasciviousness na isinampa ng hindi na nito pinangalanang complainant, ilang buwan na ang nakakalipas.

Pero, ang pagkakaalam ng biktima ay hindi na itinuloy ng hindi pina­ngalanang babae ang kaso laban sa kanya.

Sa takot na makulong ay nagsabi sa kanya ang suspek na magbigay ng P5,000.00 para pang a­reglo.

Nagbigay ang biktima ng P5,000, subalit matapos ay muli umanong nag text si PO3 Pajares nitong Nov. 15, 2015 at humingi muli ng dagdag na P2,600.00 para umano sa pag-aayos naman sa warrant of arrest ng biktima.

Nakahalata na ang biktima na kinokotongan siya ng suspek kaya’t humingi na ito ng tulong sa mga otoridad at inilatag ang entrapment operation at dinakip ang pulis sa aktong tinanggap ang nasabing halaga.

ACIRC

ANG

BERNARDO ALTES

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

CRIMINAL INVESTIGATION DETECTION UNIT

GERRY PAJARES

MAYSAN ROAD

PABANY MUZON

PAJARES

SAN JOSE DEL MONTE

VALENZUELA CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with