^

Police Metro

Bomb expert naaresto

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang bomb expert na dating miyembro ng Moro Islamic Liberation Front-Special Operations Group (MILF-SOG) ang naaresto sa isinagawang operasyon sa lalawigan ng North Cotabato kamakalawa.

Kinilala ni AFP Public Affairs Office (AFP-PAO) Chief Col. Noel Detoyato ang nasakoteng suspek na si Abdul Manap Mentan, gumagamit ng mga alyas na Manny, Manap at Al-Molk,dating miyembro ng MILF terrorist unit.

Si Mentang ay nasakote sa Brgy. Panatan, Pigcawayan, North Cotabato sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Davao City at Cotabato City Regional Trial Courts sa kasong multiple murder at multiple frustrated murder.

Nabatid na si Mentang ay responsable sa pambobomba sa Sasa Wharf at Ecoland terminal bombing sa Davao City noong 2003 na kumitil ng 23 sibilyan habang 127 pa ang nasugatan.

Si Mentang din ay kabilang sa unang batch ng 15 man group na si­nanay sa urban terro­rism at demolisyon ng Jemaah Islamiyah (JI) terrorist noong 1995 at sinanay nito ang  MILF members sa  bomb ma­king matapos itong matuto sa paghahasik ng terorismo.

Una nang nasakote si Mentang sa Sta. Ana, Manila noong Oktubre 2014, pero pinalaya matapos ang tatlong buwan bunga ng kakulangan ng ebidensya.

ABDUL MANAP MENTAN

ACIRC

CHIEF COL

COTABATO CITY REGIONAL TRIAL COURTS

DAVAO CITY

JEMAAH ISLAMIYAH

MENTANG

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT-SPECIAL OPERATIONS GROUP

NOEL DETOYATO

NORTH COTABATO

SI MENTANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with