^

Police Metro

Number coding di-suspendido sa APEC Summit

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinaalalahanan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na tuloy pa rin ang implementasyon ng “unified vehicular volume reduction program (UVVRP) o number coding” sa APEC Leaders Summit week sa kabila na idineklara ito ng Malacañang na “holiday”.

Ipinaliwanag ni MMDA Chairman Emerson Carlos na ang hindi pagkansela sa number coding na ginagawa tuwing may holiday ay upang makatiyak na magiging maluwag ang mga pangunahing kalsada para sa mga internasyunal na delegado mula Nobyembre 16-20.  

Una nang idineklara ng Palasyo na “special non working holiday” ang Nobyembre 17-20 habang walang pasok sa mga opisina ng pamahalaan.

Inaasahan naman ng MMDA na sa naturang mga petsa maglalabasan ang mga taga-Metro Manila patungo sa kanilang mga lalawigan upang magbakasyon lalo na ang mga hindi bumisita sa mga namayapa nilang kaanak noong nakalipas na Undas.

Samantala, hinikayat ng ahensya ang mga motorista na tignan sa kanilang website ang listahan ng mga “alternate routes” na bahagi ng traffic management plan para sa APEC summit.

Kabilang sa planong ipatutupad ay ang paglalaan ng dalawang eksklusibong lanes sa EDSA mula Shaw Boulevard hanggang SM Mall of Asia sa Pasay City na maaari lamang daanan ng mga sasakyan ng mga delegado ng summit.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CHAIRMAN EMERSON CARLOS

LEADERS SUMMIT

MALL OF ASIA

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MGA

NOBYEMBRE

PASAY CITY

SHAW BOULEVARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with