^

Police Metro

Leni naghain ng bill vs tanim-bala

Pang-masa

MANILA, Philippines – Naghain ng isang panukalang batas si Camarines Sur Rep. Leni Robredo na nag-aalis ng pananagutang kriminal sa pagdadala ng hindi hihigit sa tatlong bala.

Inihain ni LP vice presidential bet Robredo, ang House Bill 6245 o Iwas Tanim Bala Bill na layong tapusin ang Tanim-Bala modus operandi para maisalba ang mga pasahero sa NAIA sa panggigipit at pa­ngingikil.

Ang hakbang ay ginawa ni Robredo matapos arestuhin ang ilang pasahero sa NAIA dahil sa pagkakaroon ng bala sa kanilang bagahe.

Ang mga naaresto ay hindi pinayagang makasakay sa kanilang flight, dahilan upang hindi sila makarating sa kanilang destinasyon.

Anya, maliban sa pa­ngingikil, ang scam ay paglabag sa karapatan na malayang makapagbiyahe at malaking kasiraan para sa bansa dahil ilan sa mga biktima ay mga turista na nagbakasyon lang sa bansa.

 

ACIRC

ANG

ANYA

CAMARINES SUR REP

HOUSE BILL

INIHAIN

IWAS TANIM BALA BILL

LENI ROBREDO

NAGHAIN

ROBREDO

TANIM-BALA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with