^

Police Metro

Zamboanga fire: 15 dedo, 12 sugatan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Labinglima-katao ang iniulat na namatay habang 12 naman ang nasugatan makaraang masunog ang pamilihang bayan sa Barangay Zone 1, Zamboanga City  sa mismong bisperas ng Undas kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Dominador Zabala Jr., Zamboanga City District Fire Marshal, anim sa mga namatay ay mga bata na nagkakaedad isa hanggang 10.

Kinilala ang mga biktima na sina Kayulan Hasiddin, 48;  Musal Hasiddin, 45; Abei Salahuddin, 40; Nurul Salahuddin, 39; Marilyn Salahuddin, 32; Radzhata Hasiddin, 28; Ruhilyn Hamis, 26; Algabid Salahuddin, 20; Binnas Salahuddin, 20;  Radzmer Hassidin,10; Nur Ais Hasiddin, 9; Noynoy Hasiddin, 5; Crissamae Hasiddin, 3; Bunay Hasiddin, 1;  at si Jasper Hamis, 1.

Naisugod naman sa Zamboanga City Medical Center at Brent Hospital ang mga sugatang sina Abduraham Hamis, 36; Albini Jaani, 32; Nasmiya Hamis, 9; at Nasriya Hamis, 5; Annang Erilis, 45; Bennaser Hamis, 32; Almudzra Hamis, 31; Yasser Jamiri, 29; Nurmina Jamiri,18; Alvin Bete, 14; Farhana Hamis, 9; at si Midzfar Hamis, 7.

Sa ulat ng Zamboanga City Risk Reduction and Management Council (CDRRMC), bandang alas – 3 ng madaling araw nang magsimulang tupukin ng apoy ang 100 stalls ng ukay-ukay at mga gulay sa Magay Street sa nasabing barangay.

Mabilis na kumalat at tumupok sa mga stalls na gawa sa mahihinang uri ng materyales habang ang mga biktima ay mahim­bing pang natutulog.

Samantala, nadamay din ang mga katabi nitong establisyemento at mga kuwarto na pinag-iimbakan ng mga panindang bigas at iba pa sa nasabing palengke.

Sa inisyal na pagtaya, aabot sa P8 milyong halaga ng ari-arian ang napinsala sa palengke habang patuloy naman ang imbestigasyon.

ABDURAHAM HAMIS

ABEI SALAHUDDIN

ALBINI JAANI

ALGABID SALAHUDDIN

ALMUDZRA HAMIS

ALVIN BETE

ANG

ANNANG ERILIS

HAMIS

MGA

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with