2 lalaki tinodas sa droga
MANILA, Philippines – Malaki ang paniniwala ng pulisya na miyembro ng drug syndicate ang bumaril at pumatay sa dalawang lalaki kahapon ng madaling araw sa Port Area, Maynila.
Isa sa dalawang biktima ay nakilala sa pamamagitan ng nakuhang ID sa katawan nito na si Mario Estacio lll, tinatayang nasa 30-35 ang edad, mahaba ang buhok, nakasuot ng puting t-shirt at pula sa loob, maong na short pants. Habang ang isa ay hindi naman nalalayo ang edad sa unang biktima na may tattoo na tribal sa kaliwang braso, nakasuot ng kulay dilaw na jersey shirt, camouflage na short pants at sapatos na asul.
Sa ulat dakong alas-2:30 ng madaling araw nang umalingawngaw ang magkakasunod na putok sa Roberto Oca St., sakop ng Barangay 650 Zone 68, sa Port Area kaya’t nirespondehan ng mga otoridad at nakita ang dalawa na duguang nakabulagta dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
May hinala naman ang pulisya na ugat ng krimen ay ang talamak na bentahan ng iligal na droga sa lugar.
- Latest