4 EDSA ‘hulidap cops’ naghain ng not guilty plea
MANILA, Philippines – Not guilty plea ang inihain kahapon sa korte ng apat na pulis na isinasangkot sa EDSA hulidap sa Mandaluyong City.
Kahapon ay humarap sa sala ni Mandaluyong City Regional Trial Court (RTC) Branch
213 Judge Carlos Valenzuela ang mga akusadong sina Senior Insp. Oliver Villanueva, SPO1 Ramil Pachero, PO2 Ebonn Decadoria at PO2 Weavin Masa para basahan ng sakdal ng kasong carnapping, kidnapping at robbery in band. Umaabot sa 10 ang bilang ng mga pulis na
naaresto at na-arraign kaugnay ng EDSA hulidap case, na naging kontrobersyal matapos na makuhanan ng video ng isang netizen noong Setyembre na naging viral sa social media.
Bukod sa apat, kabilang din sa kaso sina Chief Insp. Joseph de Vera, Senior Insp. Allan Emlano, Insp. Marco Polo Estrera, PO2 Jerome Datinguinoo, PO2 Mark de Paz at PO2 Jonathan Rodriguez.
- Latest