^

Police Metro

Ex-Nueva Ecija mayor kulong ng 10 taon sa graft

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sampung taon na pagkakulong ang inihatol ng Sandiganbayan kay dating Pantaba­ngan, Nueva Ecija Mayor  Lucio Uera matapos mapatunayang guilty sa kasong  graft  dahil sa conflict of interest.

 Napatunayang si Uera ay nagkasala sa Republic Act No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) nang aprubahan ang isang kontrata para sa isang maintenance firm na ang kanyang asawa ay  incorporator nito.

Bukod sa kulong, pinagbabawalan na rin ng batas na makaupo sa anumang posisyon sa gobyerno si Uera.

Sinasabing noong March 2002, lumagda sa isang service contract si Uera sa pagitan ng Priva Power and Allied Services (Priva) para sa pangangasiwa ng  Pantabangan Municipal Electric System. Bunga nito, nagbayad si Priva ng kabuuang halagang  P1.11 milyon bilang  maintenance at operation expense payments.

Ayon sa prosekus­yon, nakinabang si Uera sa naturang kontrata dahil ang kanyang asawa ay isang incorporator, stockholder at director ng Priva na senertipikahan ng  Securities and Exchange Commission (SEC).

ACIRC

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

LUCIO UERA

MUNICIPAL ELECTRIC SYSTEM

NBSP

NUEVA ECIJA MAYOR

PRIVA

PRIVA POWER AND ALLIED SERVICES

REPUBLIC ACT NO

SECURITIES AND EXCHANGE COMMISSION

UERA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with