^

Police Metro

Pulis na galing sa drug raid, itinumba

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang pulis-Pasay nang ito ay pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang sakay ng kanyang kotse para katagpuin ang kanyang asset kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.

Ang biktima na nasawi ay  kinilalang si PO3 Ronald Guzman Corsino, 35, nakatalaga sa SAID-SOTG ng Pasay City Police, nagtamo ito ng mga  tama ng bala sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan.

Batay sa ulat, bago nangyari ang pamamaril sa biktima dakong alas-11:30 ng gabi sa harapan ng Pulang Lupa Dos Health Center, Barangay Pulang Lupa ng naturang lungsod ay kagagaling lang ito sa isang drug operation na tinawag na “One Time Big Time Operation” sa Maricaban, Pasay at patungo sana sa kanyang asset sa Las Piñas nang ito ay pagbabarilin.

Narinig ng isang barangay tanod ang mga putok kaya’t pinuntahan niya ang lugar at dito ay nadatnan ang biktima na duguan sa loob ng kanyang Honda City (LFB-706).

Inaalam ng pulisya kung may nakakabit na CCTV camera sa lugar para makilala ang gunman.

vuukle comment

ANG

ATILDE

BARANGAY PULANG LUPA

BATAY

HONDA CITY

LAS PI

ONE TIME BIG TIME OPERATION

PASAY

PASAY CITY POLICE

PULANG LUPA DOS HEALTH CENTER

RONALD GUZMAN CORSINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with