^

Police Metro

Holdaper utas sa shootout

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patay ang pinaghihinalaang notoryus na holdaper matapos itong makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya ilang minuto matapos nitong agawin ang cellphone ng isang kasambahay sa bahagi ng Barangay Tagapo sa Sta. Rosa City, Laguna kahapon ng umaga.

Sa ulat ni Laguna Provincial Police Office Director P/Senior Supt. Florendo Saligao, naganap ang insidente dakong alas-6:30 ng umaga sa Dictado Compound.

Sa imbestigasyon, kasalukuyang naglalakad habang nagte-text ang biktimang si Roselyn Dultran, 19, nang bigla na lamang sumulpot ang suspek.

Tinutukan ng suspek gamit ang cal. 38 revolver ang biktima sabay deklara ng holdap.

Pumalag naman ang biktima na tumangging ibigay ang kaniyang cellphone kaya hinampas ito ng baril sa labi saka isinalya sa daan.

Nagsisigaw sa paghingi ng tulong ang biktima kung saan ay umagaw naman ng atensyon sa mga nagrorondang pulis na lulan ng patrol car kaya hinabol ang suspek.

Gayon pa man nag-warning shot ng mga awtoridad pero tumangging sumuko ang suspek na binaril pa ang sasakyan ng pulisya.

Napilitan namang gumanti ng putok ang mga pulis hanggang sa bumulagta ang suspek.

Narekober ang cal. 38 revolver, itim na bonnet at cellphone ng biktima habang patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng suspek.

 

vuukle comment

ANG

BARANGAY TAGAPO

DICTADO COMPOUND

FLORENDO SALIGAO

GAYON

LAGUNA PROVINCIAL POLICE OFFICE DIRECTOR P

NAGSISIGAW

NAPILITAN

ROSA CITY

ROSELYN DULTRAN

SENIOR SUPT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with