^

Police Metro

Sa kasong plunder... litis kay GMA, pinatigil ng SC

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagpalabas ang Supreme Court (SC) ng status quo ante order upang ipatigil ang paglilitis ng plunder case sa Sandiganbayan bilang tugon sa kahilingan ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa resolusyon ng SC ay ipinatitigil ng 30 araw ang pag-usad ng kaso kaya’t inatasan din ng SC ang Sandiganbayan First Division na magbigay ng komento sa petisyon na inihain ng kampo ni Arroyo.

Una rito, sa 115-page petition ng kampo ni Arroyo, hiniling nilang baliktarin ang final ruling ng anti-graft court noong Peb­rero na nagbabasura sa bail motion nito sa P366 milyon Philippine Charity Sweepstakes Office fund anomaly.

Nabatid na ang mga kapwa akusado ni Arroyo ay una nang nakalabas ng piitan matapos payagang makapag­lagak ng piyansa.

ACIRC

ANG

DISTRICT REP

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

NABATID

NAGPALABAS

PAMPANGA

PANGULO

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

SANDIGANBAYAN FIRST DIVISION

SUPREME COURT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with