^

Police Metro

College student utas sa hazing

Rhoderick ­Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napatay ang 26-anyos na college student ng St. Lukes Institute Kabacan matapos magtamo ng maraming pasa sa katawan sa initiation ng fraternity sa bayan ng Kabacan, North Cotabato kahapon ng hapon.

Sa police report na nakarating kay P/Senior Insp. Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP kinilala ang biktima na si Bobong Bualan na kasalukuyang nangungupahan sa Bai Matabay Plang Village II-A sa Barangay Poblacion.

Batay sa police report, bago ang insidente ay kasama pa ng biktima na pumasok sa boarding house ang estudyanteng si Leo Terante sa panulukan ng Aglipay at Bonifacio Street sa Kabacan.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla na lamang nahimatay ang biktima habang nakaupo sa balkonahe ng nasabing boarding house.

Kaagad na isinugod si Bualan sa pinakamalapit na pagamutan subalit idineklarang patay.

Ayon sa ulat, nagtamo ng maraming pasa at sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima matapos itong pagpapaluin ng mga kabaro mula sa Tau Gamma Phi Sigma na nakabase naman sa University of Southern Min­danao Chapter.

 

vuukle comment

BAI MATABAY PLANG VILLAGE

BARANGAY POBLACION

BOBONG BUALAN

BONIFACIO STREET

KABACAN

LEO TERANTE

NORTH COTABATO

RONNIE CORDERO

SENIOR INSP

ST. LUKES INSTITUTE KABACAN

TAU GAMMA PHI SIGMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with