2,500 yunit ng Honda, pinapa-recall
MANILA, Philippines - Inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na boluntaryong pinapa-recall ng Honda Philippines ang mahigit na dalawang libong yunit na naibentang sasakyan.
Nasa kabuuang 2,531 yunit ng Jazz at City models na naibenta mula 2014-2015 ang pinapa-recall upang ma-update ang software ng electronic control unit (ECU).
Ayon sa Honda, aayusin ng update ang pagkakaroon ng mataas na stress at pagkasira ng “drive pulley shift” para maiwasan ang biglaang pagla-lock ng gulong.
Tiniyak ng kumpanya na libre ang serbisyo at tatagal lamang ng 30-minuto.
Pinayuhan ang mga may-ari ng naturang sasakyan na agad na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na 33 Honda authorized dealers.
Sinabi ng DTI na kailangang samantalahin ng mga may-ari ng mga sasakyan ang iniaalok na recall ng Honda para sa sariling kaligtasan.
- Latest