Holdaper dedo sa pulis
MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang holdaper nang ito ay makipagbarilan sa mga pulis habang ang kasama nito ay naaresto naganap kahapon ng umaga sa Pasig City.
Ang napatay na suspek ay nakilala sa pamamagitan ng identification card sa pitaka na si Rodel Gamaro, nasa hustong gulang, habang ang kasama ay nakilalang si Jezreel Bierra na residente ng
Cainta, Rizal.
Batay sa ulat, bago nangyari ang shootout dakong alas-10:30 ng umaga sa kahabaan ng Dr. Sixto Avenue, Barangay Caniogan sa lungsod ay hinoldap ng mga suspek na lulan ng isang motorsiklo, ang biktimang si Rogelio Tabios Sr., 66, residente ng Dr. Sixto Antonio Avenue at sapilitang inagaw ang kanyang gintong bracelet, na nagkakahalaga ng P50,000.
Nagresponde sina PO2 Jay Laila, ng PCRG Camp Crame at PO2 Catherine Capinpin, na nakatalaga naman sa Public Information Office ng EPD na nagkataon na napadaan sa lugar.
Pinasusuko ng dalawang pulis ang dalawang suspek, pero agad silang pinaputukan na masuwerte naman hindi tinamaan kaya’t gumanti ng putok na nagresulta para tamaan at mahulog sa motorsiklo ang angkas na si Gamaro habang ang driver ng motor na si Bierra ay nakatakas.
Hinabol ng mga pulis ang tumatakas na si Bierra na naabutan at naaresto sa Barangay Palatiw, Pasig City.
- Latest

















