^

Police Metro

Junjun Binay, tanggal na sa serbisyo bilang Makati mayor

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Iniutos na ng Office of the Ombudsman ang pagtanggal kay suspended Makati Mayor Junjun Binay matapos magbaba ng utos si Ombudsman Conchita Carpio-Morales kahapon.

Ang pagdismis kay Binay ay may kinalaman sa kasong administratibong hinaharap nito kaugnay sa maanomalyang Makati City Hall parking building.
Paliwanag ng Ombudsman, malakas ang ebidensyang nag-uugnay sa alkalde sa kontrobersiya sa kontrata ng parking building kaya dismissal ang desisyon sa kanyang “grave misconduct at serious dishonesty.”

Dahil dito, hindi na makatatanggap ng mga benepisyo si Binay bilang alkalde ng Makati City tulad ng retirement, sweldo at iba pang mga bonus nito.
Ayon sa Ombudsman, maaaring maghain ng motion for reconsideration (MR) ang kampo ni Binay sa Court of Appeals o Supreme Court (SC) ngunit epektibo na ang dismissal nito.

Ani Ombudsman, sigurado nang natanggap ng kampo ni Binay ang kanilang desisyon kaya effective immediately ang pagpapatalsik dito.

Sinuspinde si Binay sa ikalawang pagkakataon dahil naman sa overpriced umanong Makati Science High School.

Hindi pa rin masiguro kung makakatakbo pa ito sa 2016 at kung makakapaghain pa ito ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa susunod na linggo.

ANG

ANI OMBUDSMAN

BINAY

COURT OF APPEALS

MAKATI CITY

MAKATI CITY HALL

MAKATI MAYOR JUNJUN BINAY

MAKATI SCIENCE HIGH SCHOOL

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

OMBUDSMAN CONCHITA CARPIO-MORALES

SUPREME COURT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with