Paslit na-hit and run
October 9, 2015 | 10:00am
MANILA, Philippines - Namatay habang ginagamot sa ospital ang 3-anyos na si Sonny Andina Patigayon Jr., matapos na ito ay masalpok ng isang sasakyan habang tumatawid sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Gamut, Tago, Surigao del Sur, kamakalawa ng hapon.
Nabatid na dakong alas-3:30 ng hapon ay mag-isang tumatawid ang bata nang masalpok at masagasaan ng isang kulay abong pickup type vehicle.
Sa halip na huminto ang sasakyan na may numerong 267 ang plaka patungo sa Tandag City ay humarurot ang driver.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
- Latest
Latest
Recommended