Uganda national, Pinay timbog sa P20-M drugs
MANILA, Philippines - Nadakip ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang Uganda national at isang Pinay sa isang drug raid kamakalawa sa Sta. Rosa, Laguna.
Ang mga suspek ay kinilalang sina Rufus Katumba, Uganda national, na pinaniniwalaang miyembro ng African Drug Syndicate at Pinay na si Marilyn Ramos, 31.
Ayon sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga ay nagsagawa ng search warrant ang PDEA-Regional Office 4A sa tinutuluyan ng mga suspek at dito ay nakumpiska ang humigit kumulang sa 10 kilo ng cocaine at 10 kilo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P20 milyong piso.
Nasamsam din ang mga maliliit na container at mga sapatos na pinaglalagyan ng droga na pinagagamit sa mga na-recruit nilang drug mule.
Ang mga suspek ay nakapiit sa PDEA-RO4 at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang comprehensive dangerous act 2002.
- Latest