^

Police Metro

Kolektor ng pawnshop, holdaper napatay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Agad nasawi ang isang kolektor ng pawnshop nang ito ay pagbabarilin ng tatlong holdaper na sakay sa dalawang motorsiklo  habang napatay naman sa shootout ng nagrespondeng mga pulis ang isa sa mga suspek na naganap kamakalawa sa Brgy. Muzon, San Jose del Monte City, Bulacan.

Ang napatay na biktima dahil sa natamong dalawang tama ng bala ng kalibre 38 baril sa ulo ay kinilalang si Lyndon Umi­sal, ng Valenzuela City, mensahero at kolektor ng Tambunting Pawnshop sa Pabahay, Brgy. Muzon ng lungsod.

Napatay naman ng mga pulis ang isa sa tatlong suspek na nakilala namang si Peter Plarisan Jr., ng  Norzagaray, Bulacan.

Sa ulat, dakong ala-1:30 ng hapon nang hara­ngin ng mga suspek ang biktima na lulan ng motorsiklo sa kalsada ng Melody Plain Subdivision, Brgy. Muzon ng lungsod habang pabalik na ito sa pawnshop.

Agad na pinagbabaril ng dalawang suspek sa ulo ang biktima at kinuha ang clutch bag na naglalaman ng hindi pa madeterminang pera na bahagi ng kaniyang koleksyon.

Nagsagawa ng follow-up operations ang mga pulis at napatay sa shootout si Plarisan sa Graceville I Subdivision sa Brgy. Muzon ng naturang siyudad.

Narekober sa napatay na suspek ang isang cal. 38 revolver na puno ng kargang bala, isang unit ng Yamaha Mio at limang plastic sachet ng shabu.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BRGY

BULACAN

GRACEVILLE I SUBDIVISION

LYNDON UMI

MELODY PLAIN SUBDIVISION

MONTE CITY

MUZON

PETER PLARISAN JR.

SAN JOSE

SAN JOSE DEL MONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with