Nang-onse sa droga, itinumba
MANILA, Philippines – Dead-on-the-spot ang isang lalaki matapos na siya ay barilin ng kanyang kasama matapos magtalo sa onsehan ng kinita sa droga
Ang nasawi dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Jayson Lupin Santiago, nasa hustong gulang, ng Phase 10 Package 3, Lot 39, Barangay 176, Bagong Silang ng naturang lungsod.
Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong ala-1:00 ng madaling araw ay naglalakad ang biktima, kasama ang suspek nang bigla na lamang bumunot ng baril ang huli at walang salitang pinagbabaril ang una.
Mabilis tumakas ang suspek na hindi ibinunyag ang pangalan ng mga pulis dahil sa gagawing pag-aresto rito.
Ayon sa text message mula sa kaanak ng biktima sa pulisya na ang biktima ay sangkot umano sa droga kaya’t ang kanilang teorya ay posibleng nagka-onsehan sa droga ang dalawa.
- Latest