^

Police Metro

3 bise presidente susuportahan ng NP

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kahit na maglalaban-laban sa pagka-bise pre­sidente ang tatlong mi­yembro ng Nacionalista Party sa 2016 election ay nakahanda umano silang suportahan ng partido.

Ito ang inihayag kahapon ni Senator Cynthia VIllar, asawa ni NP president Manny Villar matapos maghayag kahapon na tatakbo na ring bise presidente si Senator Alan Peter Cayetano.

Bukod kay Ca­yetano, miyembro rin ng NP si Senator Antonio Trillanes IV na nagdeklara na ring kakandidato sa pagka-bise presidente at si Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos na nagpahiwatig na ring magdedeklara sa tamang panahon.

Sinabi ni Villar na tutulungan nila ang tatlong senador sa usapin ng pagbibigay ng pondo pero wala sinuman sa kanilang ang itataas pa ang kamay.

“Eh di tutulungan nalang natin silang lahat. How can you choose from these three? Lahat sila ay mi­yembro namin at tutulungan namin,” pahayag ni Villar.

Inihayag din ni Villar na kapwa matatapang ang kanilang mga miyembro na katangian umano ng partido.

Bibigyang laya rin umano ng partido ang kanilang mga miyembro na magpasya kung sino sa tatlong kakandidato sa pagka-bise presidente ang gusto nilang suportahan.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BIBIGYANG

BONGBONG

BUKOD

MANNY VILLAR

NACIONALISTA PARTY

SENATOR ALAN PETER CAYETANO

SENATOR ANTONIO TRILLANES

SENATOR CYNTHIA

SENATOR FERDINAND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with