^

Police Metro

2 helper na nagdo-droga ipinahuli ng amo

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines – Natuklasang guma­gamit ng shabu ay ipinaaresto ng isang amo ang dalawa niyang truck helper kahapon ng umaga sa Barangay San Miguel, Pasig City.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Ronel Tolentino at Jomel Cana­da, kapwa nasa hustong gulang, kapwa helper ng Cruz Mar Trucking na matatagpuan sa Block 2, Lot 11, Eusebio Ave­nue sa Barangay San Miguel.

Batay sa ulat, dakong alas-10:00 ng umaga nang maaktuhan ng may-ari ng trucking company na si Jessie Cruz ang dalawa na gumagamit ng shabu.

Humingi ng tulong si Cruz sa pulisya na arestuhin ang mga suspek dahil sa loob pa ng kanilang tanggapan ito gumagamit ng illegal na droga.

Kaagad namang nagsagawa ng operasyon ang mga otoridad na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek at nakum­piska ang dalawang sachet ng shabu at drug paraphernalias.

Ipaghaharap ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Dange­rous Drugs Act.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARANGAY SAN MIGUEL

CRUZ MAR TRUCKING

DRUGS ACT

EUSEBIO AVE

JESSIE CRUZ

JOMEL CANA

PASIG CITY

REPUBLIC ACT

RONEL TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with