^

Police Metro

Nilaslas ang leeg habang natutulog

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nasa kritikal na kalagayan sa pagamutan ang isang 38-anyos na construction worker matapos itong laslasin sa leeg ng kanyang katrabaho habang natutulog sa kanilang barracks kahapon sa Brgy. Mag-asawang Ilat, Tagaytay City, Cavite.

Ang biktima ay nakilalang si Michael Ornedo, 38, may-asawa, construction worker tubong Oriental Mindoro at kasalukuyan nanunuluyan sa barracks na pinagtatrabahuan nito sa nasabing lugar.

Naaresto ang suspek sa isang follow-up na nakilalang si Jundel Evangelista, 32, may-asawa residente ng Sta. Cruz Laguna.

Sa imbestigasyon, bago nangyari ang krimen ganap na alas-11:30 ng gabi ay mahimbing na natutulog ang biktima nang bigla itong maalimpungatan nang maramdaman umano niyang biglang may humiwa sa kanyang leeg. Nang dumilat umano siya ay nakita niya ang suspek na nakatayo sa kanyang harapan at may hawak na patalim habang bumubulwak ang dugo sa kanyang leeg.

Nagawa pa rin nitong makasigaw at makahingi ng tulong sa  kanyang mga katrabaho at agad siyang dinala sa pagamutan.

Bago ang insidente, masaya pa umanong nag-iinuman ang biktima at suspek kasama ang mga katrabaho sa kanilang construction site nang magkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng biktima at suspek na nauwi sa suntukan.

Naawat ang dalawa at sa pag-aakala ng biktima na tapos na ay nagtungo ito sa barracks at habang natutulog ay pumasok ang suspek at nilaslas ang kanyang leeg.

vuukle comment

ANG

BRGY

CAVITE

CRUZ LAGUNA

ILAT

JUNDEL EVANGELISTA

KANYANG

MICHAEL ORNEDO

NAARESTO

ORIENTAL MINDORO

TAGAYTAY CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with