Pamamaraan na ginamit kinuwestiyon... Survey ng SWS walang saysay - analyst
MANILA, Philippines – “Hindi makabuluhan o walang saysay ang sistemang ginamit sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS) kung saan nanguna si Senator Grace Poe, pumangalawa si Interior and Local Government Sec Mar Roxas at nasa ikatlong puwesto lamang si Vice President Jejomar Binay.
Ito ang sinabi ni Professor Edmund Tayao, ng University of Santo Tomas (UST), isang political analyst.
“The survey to me does not matter at all because it asks for three names and there is only one position for President. If this is a senatorial survey, then it would matter....It only shows that the base support for Senator Grace (Poe) and Secretary Mar (Roxas II) would be the same,” ani Tayao.
Sa survey tinanong lamang sa mga respondents kung sinong tatlong lider ang iniisip nila na maaaring pumalit kay Pangulong Benigno Aquino III sa pagka-pangulo sa 2016.
Wala umanong direktang tanong kung sino ang nais nilang kakandidato na nais nilang iboto sa eleksyon sa 2016.
Sa kabila ng muling pagbaba ng kanyang dating sa pinakahuling survey, kumpiyansa pa rin si Binay na tataas pa ang kanyang numero (puntos) hanggang sa araw ng halalan.
Ayon kay Binay, minsan ay naitatanong niya sa sarili kung bakit patuloy na bumababa ang kanyang rating sa survey, subalit naniniwala siya na tataas pa ito at siya ang mangingibabaw sa araw ng halalan sa 2016.
Sa September 2015 Social Weather (SWS) Survey na isinagawa noong Setyembre 2-5, 2015 mula sa 1,200 respondents, nakakuha lamang si Binay ng 35% rating habang si Poe na nanguna ay umakyat sa 47 porsyento habang pumangalawa si Roxas na nakakuha ng 39%.
Sa survey, isang porsyento lamang ang itinaas ni Binay habang halos napanatili ni Poe na manguna kasunod ng ginagawang mga survey ng SWS kamakailan.
Si Roxas na nagdeklara ng kanyang intensyon tumakbo sa pagkapangulo ng bansa ay umakyat sa 18 puntos.
Sinabi ni Binay na hindi siya nababahala sa pagbaba ng kanyang rating at iginiit na ang tunay na survey ay mangyayari lamang sa araw mismo ng halalan.
Iginiit ni Binay na mas mahalaga sa kanya na mapanatili nito ang kanyang “core supporters” o mga tagasuporta na bumoto sa kanya bilang bise presidente noong 2010.
Sinang-ayunan ni Atty. Rico Quicho, Vice Presidential Spokesman for Political Affairs ang inihayag ni Tayao na walang specific na tanong sa respondents.
Sa kabila nito ay hindi makakaapekto mula sa resulta ng huling SWS survey ang kagustuhan ng Bise Presidente na ipagpatuloy ang pro-poor programs nito at labanan ang paghihirap at pagtaas ng dumadaming Pinoy.
- Latest