^

Police Metro

4 lalaki todas sa pamamaril

Joy Cantos at Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines – Apat katao ang naiulat na nasawi sa pamamaril sa magkahiwalay na lugar sa Pangasinan at North Cotabato.

Namatay noon din ang mga biktimang sina Jose Rocero Macaalay, 55 at Bernardo Moyargas, 66 matapos na pagbabarilin habang sakay ng tricycle sa national road ng Brgy Sta. Maria, San Jacinto, Pangasinan noong Biyernes.

Nilalapatan ng lunas ang dalawa pang sugatang pasahero ng tricycle na sina Dory Quiros, 45; at Maria Lourdes Rodolfa, 50; pawang mga vendor.

Sa ulat, dakong alas-4:45 ng hapon habang bumabagtas ang mga biktima lulan ng tricycle sa kahabaan ng national road  sa lugar nang mag-overtake ang kulay puting SUV na sinasakyan ng mga suspek at agad na sila ay pinagbabaril.

Sa North Cotabato, nabaril at napatay din ang mga biktimang sina Anwar Sumplay at Taib Tuanadatu,  nasa hustong gulang at residente ng Sitio Marabuay, Barangay Bao, Alamada.

Lulan ang mga biktima ng isang motorsiklo galing sa kanilang bahay patungo sa bayan ng Libungan at pagsapit sa Sitio Patel, Brgy. Bao Alamada, ay pinagbabaril sila ng mga hindi pa kila­lang mga suspek na armado ng M1 garand rifles at M16 armalite rifles.

Hinihinala ng pulisya na awayan sa pamilya o rido ang motibo ng pagpatay.

vuukle comment

ANG

ANWAR SUMPLAY

BAO ALAMADA

BARANGAY BAO

BERNARDO MOYARGAS

BRGY STA

COTABATO (NORTH)

DORY QUIROS

JOSE ROCERO MACAALAY

MARIA LOURDES RODOLFA

MGA

NORTH COTABATO

SOCCSKSARGEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with