17-anyos estudyante ni-rape/slay
MANILA, Philippines – Isang 17-anyos na dalagita na 1st year college student ang natagpuang patay sa loob mismo ng kanyang bahay matapos itong gahasain at bigtihin ng hindi nakilalang suspek na pumasok sa kanilang bahay kamakalawa sa Brgy. Suba Masulog, Lapu-Lapu City, Cebu.
Kinilala ang biktima na si Karen Kaye Montebon, kumukuha ng kursong accountancy na ang bangkay ay natagpuan sa ilalim ng kama nito na may lubid ang leeg dahil sa ito ay binigti pagkaraang halayin ng hindi pa kilalang suspek.
Batay sa ulat, bandang alas-5:30 ng hapon nitong Martes nang madiskubre ng ama ng biktima na si James Montebon ang brutal na sinapit ng anak sa manyakis na rapist nang ito ay umuwi sa kanilang bahay sa Corinthian Subdivision, Brgy. Suba-Masulog ng lungsod.
May hinala ang pulisya na ang krimen ay naitala sa pagitan ng alas-7:00 hanggang alas 8:00 ng umaga matapos na maiwang mag-isa ang biktima sa bahay.
Nawawala rin ang Ipod at DSLR camera ng biktima kayat lumutang ang anggulo ng pagnanakaw sa insidente.
Lumalabas sa pagsusuri na ang biktima ay ginahasa dahil sa duguan ang panty nito.
- Latest