MMDA at HPG nagsanib sa pagmamando sa EDSA
MANILA, Philippines – Magsasanib puwersa na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Philippine National Police- Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa magmamando ng trapiko sa kahabaan ng Edsa Avenue.
Ito ay bilang kahilingan ng HPG sa pamunuan ng MMDA, kaya magkakasama at magtutulungan na sila sa pagmamando ng trapiko sa Edsa partikular sa tinukoy na anim na major chokepoints.
Kabilang sa mga tinukoy na major chokepoints ay ang Balintawak, Cubao, Ortigas, Shaw Boulevard, Guadalupe at ang Taft Avenue.
Sa kabila nito ay wala namang magbabago sa oras ng duty ng mga enforcer ng MMDA kung saan bandang alas-6 ng umaga ang simula ng duty kung saan hinati sa tatlong shift.
Unang shift ay mula alas-6 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon habang ang pangalawang shift ay mula alas-2 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi at ang third shift ay mula alas-10 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga.
Subalit magkakaroon ng adjustment kung saan gagawing alas-5 ng madaling araw na ang duty ng MMDA.
- Latest