^

Police Metro

Pinoy workers pinag-iingat sa ‘third country recruitment’

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines – Binalaan ni Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Hans Leo J. Cacdac ang mga Overseas Filipino  Workers (OFWs) na kasalukuyan nang nagtatrabaho sa ibang bansa na huwag tumanggap ng alok na trabaho mula sa third country.

Ginawa ng POEA makaraang nakatanggap ng ulat mula sa Philippine Embassy sa Turkey hinggil sa kaso ng isang Pinay household worker na walang trabaho ngayon sa Ankara, Turkey matapos na iwanan ang kanyang dating employer sa Hong Kong.

Ayon sa Pinay nagtatrabaho siya sa Hong Kong nang i-recruit ng isang recruitment agency na nakabase sa Ankara.

Ang recruitment agency ay nagsimulang magpadala ng mga Pinoy workers mula sa Hong Kong patungong Turkey noong Nobyembre 2014 kapalit ng placement fee na US$3,000.

Napapayag ang Pinay na lumipat at nagbayad ng HK$19,000 matapos na pangakuan ng mas magandang trabaho na may mataas na suweldo sa Turkey.

Pagdating sa Turkey noong Mayo 2015, sandali lamang siyang nagkaroon ng trabaho at na-terminate sa loob lamang ng 45 araw.

Ipinaliwanag naman ni Cacdac na ang ‘third-country recruitment’ ay illegal dahil ang recruiter at employer ay walang lisyensya o otorisasyon  para mag-recruit mula sa POEA.

ADMINISTRATOR HANS LEO J

ANG

AYON

BINALAAN

CACDAC

HONG KONG

NBSP

OVERSEAS FILIPINO

PHILIPPINE EMBASSY

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT ADMINISTRATION

PINAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with